My Story
Signed:
me
Source: http://www.worsleyschool.net/socialarts/g
- Location:in front of the computer
- Mood:
blank
Okay. Basahin niyo muna etong link na 'to: http://sweetheroine07.multiply.com/journ
Pero kung ayaw, e 'di 'wag. Hehe.
I just want to express my comments regarding the story. Maganda siya. Nakakaiyak. Akala ko teenager yung nagsulat. Naka-short cut kasi yung iba words tapos yung way pa ng pagsulat niya parang high school or college pa lang. Mahaba yung story kaya lang napansin ko na lang yun nung nasa kalagitnaan na ako. Haha ^^p.
Siguro tinatanong ninyo kung anong koneksyon nung title ko sa kwento. Para sa'kin kasi, ang torpe ay isang tao na hindi magawang sabihin ang nararamdaman niya para sa iba. Usually sa lalaki lang sinasabi yun e. Kasi usually sila dapat mauna umamin sa girl e. Pero come to think of it, may mga babaeng may gusto sa isang lalaki pero ayaw lang sabihin. For me, TORPE din ang tawag sa kanila.
May mga kilala ako na nag-alanganin din kung sasabihin ba niya yung nararamdaman niya dun sa taong yun o hindi. Nahihirapan sila lalo na kapag KAIBIGAN niya yung mahal niya. Natural na problema na yun e. Lalo na kung mag-BEST FRIENDS sila.
Bakit kaniyo? E kasi "BAKA MASIRA YUNG FRIENDSHIP E. Masakit yun! Lalo na kung MAIILANG SIYA sa'yo tapos LALAYUAN ka niya. Ayos na sa'kin yung makita siyang masaya"
E ano naman?!?Magpapaka-martyr ka?! Ay nako po! *sabay palo sa ulo*. Paano kung may gusto din pala siya sa'yo? E di nawala yung pagkakataon. Nagsisi ka pa.
Dun kay "pare" sa kwento, naging sila nga, kaya lang as a game lang yung relationship (charing naman yan!). Try muna kumbaga. Engot talaga yung lalaki. Sila na nga, nakipag-break pa siya. Engot din yung babae, may signs na nga yung lalaki hindi pa nakita. Parehas silang engot in a sense na never nila sinabi yung nararamdaman nila hanggang sa lalong naging komplikado na ang lahat. Tapos obvious naman na parehas silang nagseselos nung nakilala nila yung gf/bf nung isa. E 'di lalo silang nagsisi sa huli.
Gosh! Sana sila magkatuluyan sa next life nila (kung totoo ngang merong ganun). At sana hindi na sila parehong engot at torpe.
Siguro iniisip niyo na madali na lang para sa'kin 'to sabihin, lalo na hindi pa ako na-i-in love (e-ano-na-man). Kahit na ganun, hindi ko naman inaalis sa isip ko na masakit din kapag nalaman mo na wala siyang gusto sa'yo. Lalo na kung masira yung friendship niyo. You would rather hurt yourself while by his/her side as long as you could see her/him happy. Pero at least let him/her know what you feel para naman aware siya. Siguro naman kapag hindi niya binalik yung pagmamahal mo, friends pa rin kayo di ba?
Anyway, just tell. What's life without a risk? Yun nga lang, sobrang bigat ng risk na kailangang bitawan. Pero ikaw na nga mismo ang nagsabi "Ayos na sa'kin makita siyang masaya..."
- Location:our temporary house
- Mood:
blah
Napansin niyo ba tuwing graduation o kaya kapag mahihiwalay na ang iba sa atin, maririnig natin na laging sinasabi na “Uy! Walang kalimutan ah…” o kaya naman ay “ Wag mo akong/kaming kalimutan ah…” ?
Paano kung hindi mo nga sila nakalimutan pero natatakot kang lumapit sa kanila dahil baka ikaw naman ang nakalimutan nila dahil matagal na kayong walang communication?
Ganun yung nararamdaman ko dun sa iba kong naging kaklase noon. Hindi naman kasi ako yung tipong tao na lumalapit sa iba basta kilala ko sila. Nahihiya nga ako lumapit sa kanila e kasi baka hindi na nila ako kilala.
Kahapon nakita ko yung dalawa sa mga dati kong kaibigan. Hindi ko sila pinapansin dahil hindi naman din nila ako pinapansin. Sabi sa’kin ng kapatid ko parang wala daw kaming pinagsamahan. Pero nahihiya nga akong lumapit kahit gusto ko.
Hay buhay! Bakit ba kasi ako naging mahiyain e…
Naalala ko noon habang naguusap kami ni Sofia.
Me: “Ewan ko. Usually kasi baka ang sabihin na lang natin ‘Hi! Kamusta ka na?’ ‘Okay lang. Ikaw?’ ‘Okay lang din’ tapos wala na. Pero
Pero alam ko naman na hindi talaga mangyayari yun e. Meron na kasi tayong tinatawag na “internet” na may “social network sites” kung saan pwede kang maka-connect sa mga kaibigan mo anytime, anywhere. Kung hindi naman intenet, meron namang cellphone. Sosyal! Hi-tech na talaga tayo ngayon.
Anyway that’s all for now,
Bye!
- Location:here in our temporary home
- Mood:
blah
Isipin niyo ang sitwasyong ito na parang kayo ay isa sa mga tauhan:
*Si Pedro ay nakaupo, hindi kumikilos, nakatingin sa hangin, at hindi kumukurap na para bang may iniisip na malalim*
*Pumasok si Juan at sinubukang gulatin si Pedro*
Juan: HOY!
*Ngunit hindi nagulat si Pedro. Nakatulala pa rin siya*
Juan: HOY! *Inalog-alog niya si Pedro*
Pedro: Ano?!? *Nagalit siya*
Juan: Nakatulala ka a. Mukhang may iniisip kang malalim. Ano yun? Importante ba yan?
Pedro: OO! Sobrang importante dahil buhay ko ang nakasalalay dito. Kaya tulungan mo ako, Juan. Kailangan ko ng tulong mo.
Juan: Bakit, Pedro? Ano ba ang iniisip mo? Nagnakaw ka ba? Hinahabol ka ba ng mga sindikato? Ano, Pedro? Sabihin mo at pagiisipan natin yan.
*Umiiyak na si Pedro na parang gripong hindi masara. Humahagulgol na siya. Namumula at namamaga na ang mga mata niya.*
Pedro: Juan, hindi ko alam ang gagawin ko.
Juan: Bakit, Pedro? Ano ba ang problema mo?
Pedro: Yun na nga ang problema ko e.
Juan: Huh?
Pedro: Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko!
*Nagsimula na ring umiyak si Juan*
Pedro: Bakit ka umiiyak?
Juan: Kasi hindi ko rin alam ang gagawin ko e.
Ang tanong: Ano ang problema ni Pedro at Juan?
I-text ang sagot.
Type: BLEH <sagot/name/address> at i-send sa 0666
=====
Haha. Corny ko ano? Haha. Wala lang. Pero sabihin niyo sa akin, naintindihan niyo ba yung kwento? Nalaman niyo ba kung ano yung problema nila?
Ang sagot ay......................................
O nahulaan niyo ba ang sagot?
Very Good!
I will give you 3 stars. YEHAY!!!!
WAHAHAHAHAHAHAHA!!!!!!!!!!!!!.
Oo. Bored ako. Tulad niya, niya, niya, niya, at niya. At dahil bored ako kaya ko ginawa yun ↑.
Haha. Yun lang. Pang paalis lang ng virus. No. Wala akong swine flu. BOREDOM VIRUS ang umatake sa’kin. Uso yun tuwing summer kaya mag-ingat kayo.
Hala! Meron ka na rin ‘ata e. Ayan o. Halatang-halata. Magpagamot ka na!
Alis na nga ako. Baka makahawa pa ako, o kaya mabuking pa ako na galing akong Mental Hospital. May dinalaw lang kasi ako dun e.
Babush! *Mabilis na lumabas ng pinto*
*WEWOO! WEWOO! WEWOO! *
“ANNOUNCEMENT! MAY
*WEWOO! WEWOO! WEWOO! *
- Location:Lagro @o@
- Mood:
bored
While writing this post in MS Word (that’s what I do first before posting in lj), I’m watching the movie Brother Bear 2. It’s so sad to feel so left out and being with a group of people who seems not to see you, nor hear you.
Haha. Ang drama ko ano? May pa-english-english pa ako. Hindi naman bagay sa’kin. Haha. ‘Wag niyo na lang pansinin yun.
Anyway, I’m just here to tell you guys that I’m making another account here on lj. Pero hindi ko sasabihin kung ano yung name ko. Hehe. Peace \/ ^.^ \/
Mag-po-post pa rin naman ako dito e. Haha. So you guys can still have an update on what’s happening to me. Haha
- Location:house
- Mood:
calm - Music:A Dream Is A Wish Your Heart Makes - Disney's Circle Of Stars
What Blessie Means |
![]() You are full of energy. You are spirited and boisterous. You are bold and daring. You are willing to do some pretty outrageous things. Your high energy sometimes gets you in trouble. You can have a pretty bad temper at times. You are relaxed, chill, and very likely to go with the flow. You are light hearted and accepting. You don't get worked up easily. Well adjusted and incredibly happy, many people wonder what your secret to life is. You are friendly, charming, and warm. You get along with almost everyone. You work hard not to rock the boat. Your easy going attitude brings people together. At times, you can be a little flaky and irresponsible. But for the important things, you pull it together. You are the total package - suave, sexy, smart, and strong. You have the whole world under your spell, and you can influence almost everyone you know. You don't always resist your urges to crush the weak. Just remember, they don't have as much going for them as you do. You tend to be pretty tightly wound. It's easy to get you excited... which can be a good or bad thing. You have a lot of enthusiasm, but it fades rather quickly. You don't stick with any one thing for very long. You have the drive to accomplish a lot in a short amount of time. Your biggest problem is making sure you finish the projects you start. |
- Location:house
- Mood:
calm
You Can Definitely Spot a Liar |
![]() Maybe you have good instincts. Or maybe you just have a lot of experience with liars. Either way, it's pretty hard for someone to pull a fast one on you. You're like a human lie detector. |
- Location:house
- Mood:
calm
Got this from Blogthings.com
You Are an “A-OK” |
![]() Your life philosophy can be summed up as, “Whatever will be, will be.” Your greatest wish is to live each day a little better than the next. You are naturally calm and stable. Some people would call you a rock. You feel one with the world. You are a spiritual person, though no one who knows you would guess it. |
- Location:house
- Mood:
calm
Got this from Blogthings.com
You Are the Daughter |
![]() You very keyed in to emotions. You care deeply and are quick to forgive others. You often get lost in your own thoughts and daydreams. You find it difficult to stay focused. At your best, you are sweet, sensitive, and innocent. You bring joy to people's lives. You are open and expressive. You love sharing your optimistic, dreamy vision of the world. At your worst, you feel powerless and like a victim. Your fear can paralyze you. You tend to complain and whine. Whether your complaints are legitimate or not, you're not one to solve your own problems. |
- Location:house
- Mood:
calm
Knock! Knock!
*opens the door*
Hello there! Haha ^_' Kung napapansin niyo tagal na akong hindi nagpo-post ng entry. Matagal go na gusto mag-post kaya lang lagi na lang hindi natutuloy. Dalawang topic sana 'yung gusto ko isulat. Ang unang topic ay tungkol sa english songs na may tagalog versions. Next time na lang 'yung pangalawa.
Nitong mga nakaraang araw, napansin ko na dumadami na 'yung popular english songs na may tagalog version. Dati pa naman may ganun eh. Hindi lang masyado kalat at konting senti songs lang 'yung may translation for some tagalog shows or purposes. Tapos 'yung iba naman katuwaan lang. Kaya lang ngayon, ito na ang isa sa mga tugtog na lagi ko naririnig. Parang halos lahat 'ata ng pop song gagawan ng tagalog version eh.
Nanood ako ng isang episode ng isang palabas sa t.v. na tungkol sa english songs na may tagalog (or other filipino dialect) versions. Nakalimutan ko na kung kailan ko napanood 'yun. Anyway, ayon sa palabas na 'yun, hindi lang daw tayong mga pilipino ang nagtra-translate ng mga kantang banyaga. Sa katunayan, meron daw tayong kanta na may version ng ibang bansa. May pinangalanan sila, nakalimutan ko nga lang ( nakuha niyo naman 'yung point ko 'di ba?)
Anyway, ayos lang naman talaga sa akin 'yung magkaroon tayo ng tagalog versions ng ibang english songs once in a while. Huwag lang sana natin ito makasanayan. Hindi natin dapat makalimutan na ang mga pilipino, o pinoy, ay may sariling tugtog/ musika. At dapat natin tandaan ang tunay na ibig sabihin ng O.P.M.
<--------->
Mood Breaker!!! Haha..^,^ from serious to...........wala lang.
You: Huh?! @,@
Haha....Ayaw ko kasi tapusin 'yung entry ko in a serious mood. I-clear ko lang ah : HINDI AKO GALIT!!! Haha. Sorry for the capital letters. Hindi ako galit ( kung 'yun 'yung iniisip niyo ). Sinasabi ko lang 'yung point of view ko about the topic. Okay?
Okay. Alis na ako ^_^ Napadaan lang ako para malaman niyo na humihinga pa naman ako. Haha. Joke lang po ^o^.
*opens the door*
Bye^_^
*closes the door*
<-------->
P.S.: Meron pa akong ipo-post na entries. Mga results 'yon ng ibang quiz na tinake ko from blogthings.com^_^
- Location:house
- Mood:
okay
TATLONG ARAW NA LANG pasukan na namin. Hindi ko alam kung matutuwa ako o malulungkot. Masaya ako kasi makikita ko na naman 'yung mga kaibigan ko. Magkakaroon na naman kami ng bonding time^_^.
Sa kabilang banda, malungkot ako kasi konti na lang 'yung freetime, gigising ng maaga, magpupuyat, etc. Dagdag mo pa 'yung tambak-tambak na homeworks, projects, quizzes, drill sheets, seatworks, at ang pinaka-ayaw ng karamihan sa aming mga estudyante, ang exams. Ipatong mo pa 'yung activities kung saan mae-excuse ka sa klase, mami-miss 'yung lesson, o drill sheet, o seatwork, o quiz na dapat n'yong gagawin nung mga oras na 'yun. Na magiging excuse din ng mga teachers para kumuha ng oras mula sa mga freetime mo para mag-make-up. Nagkakamali ka kung ang iniisip mo ay 'yung make-up na nilalagay sa mukha.
Malulungkot din ako kasi ngayong school year shuffled na naman kami dahil nang-indian ng mga teachers ang karamihan ng mga 3rd yr. students nung araw pagkatapos ng Formal Dinner namin. At hindi pa nakuntento, nagpahuli pa 'yung mga nag-cheat nung 4th qtr. long test (*ata*) sa mga teacher na may radar. Damay kahit na 'yung mga inusente. Bad trip!
Second time na namin ma-shuffle. Una nung 2nd yr., sa hindi ko alam na dahilan. Nagustuhan ko 'yung pag-shuffle namin n'on kasi ang daming matalino at pala-kaibigan sa klaseng na-landingan ko. Mas naging open ako. Medyo mahiyain parin pero hindi tulad nung dati na parang pinutulan ng dila at hindi marunong magsalita. Sana nga magiging masaya din 'yung klaseng papasukan ko.
Pero, AYOS!! Kaklase ko parin 'yung ibang malalapit kong kaibigan. Haaay. Nakahinga ako dun a. Ayos na 'yun. Hindi na ako magiging parang isang taga-probinsiya na naligaw sa Maynila. May mga makaka-usap na ako dun.
Kaya lang, sa bandang huli, malulungkot na talaga ako. Bakit 'ka n'yo? Kasi 4th yr. na ako sa darating na pasukan. Maggra-graduate na ako sa high school. Magka-college na ako at mahihiwalay na ako sa mga malalapit kong kaibigan sa high school :(( Sabi ko nga dun sa isang post ko noon, sana hindi na lang matapos 'tong kabanatang 'to. Pero kailangan ituloy para matapos ang libro.
Hay, buhay. Parang ice cream na kailangan kainin bago matunaw, bago masayang. (*Hehe. 'Ala lang. I like ice cream e*).
Sige, see you all on June 10, 2008 (*Kung schoolmate kita*). Bye^_^
---------------- Iniisip ko pa pala isulat 'yung tungkol sa Glee kaso wag na lang...;p
- Location:home sweet home
- Mood:
annoyed - Music:our neighbour singing in the videoke
Parang ayaw ko na talaga pumasok.
Pero ganyan talaga ang buhay. Parang isang libro na may mga kabanatang dapat matapos. Kaya nga lang, instead na maging excited ako, nalulungkot ako. Sana hindi na matapos 'tong kabanata na 'to.
Hindi lang 'yung pasukan ang nasa isip ko, iniisip ko rin kung ano kukunin ko sa college at kung saan. May naisip na ako, kaya lang hindi pa ako sigurado. Feeling ko hindi pa ako handa mag college.
*sigh* Ano kaya magiging buhay ko sa college. Sana makasurvive ako. Pakiramdam ko tuloy nasa isa akong adventure tapos kailangan ko pumasok sa isang kweba dahil wala nang ibang daan (parang sa anime...hehe ^v^). Ano kaya ang mangyayari sa akin sa loob ng kweba? Magiging mabuti pa ba ang kalagayan ko paglabas ko dito? ABANGAN ANG SUSUNOD NA KABANATA! ( hehe...wala lang@_@ )
--------------------
Anyway, meron pa akong ibang iniisip. Kainis! Meron akong anime na gusto ko panoorin. Ang kaso, hindi ko naman mapanood. Ganito kasi 'yun: may cable nga kami, kaso 'ala naman kaming Animax. Hay naku! Bad trip!
Hehe ^_^... Sorry kung nadamay pa kayo sa "nagsusumikip kong damdamin" (shocks! NOSE BLEED!!!) Haha...
Goodbye everyone. See yah when I see yah...^_^
- Location:my favorite place, our house
- Mood:
confused - Music:our tv
*DING DONG*
*someone opens the door*
me: "Hi! Ako 'yung babaeng nagsusulat ng journal sa Tagalog. Pwede ka ba makausap?"
Hello! Long time no post ako ah. Hehe=D. Well, hindi naman talaga long time.Uhm... Ang totoo niyan, medyo nawalan na ako ng gana mag-post. May times na gusto ko mag-post para malabas 'yung gusto ko ilabas. Kaya nga lang sa tuwing magta-type na ako, hindi ko na alam 'yung ilalagay ko.
Naisip ko rin na wala namang nagbabasa nito. Kasi alam ko na once na nabasa niyo 'yung mga naandito, masasabi niyo lang na boring ang mga ito. Sino ba naman ang magbabasa ng isang walang class na journal?!
Isa pa, wala namang interesado na makinig sa mga sasabihin ko e. Who cares what I think about life? WALA. Well, maybe merong iba. Magiging masaya ako kung meron nga.
So this means na hindi na matutuloy 'yung sinabi ko noon. Pasensya na kung nabulabog ko kayo.
Magpopost pa rin naman ako minsan. Wish niyo na lang makaisip ako ng ilalagay para makapag-post ako.
Sorry kung ganito ako. Nasanay na kasi ako magtago ng mga bagay-bagay e. Madami akong secrets na tinatago. At kahit ang mga taong malapit sa akin, hindi nila alam. Medyo "mysterious" parin ako sa kanila. Kaya nga "Secret Feelings" ang title nitong journal ko e. 'Cause I like to hide secrets, lalo na 'yung sa akin.
Again, sorry kung nagulo ko kayo. Kahit na minsan na lang ako magpopost, maga-update pa rin ako ng lj. Sorry uli for disturbing you and for being weird.
Good night...
- Location:house
- Mood:
pensive - Music:a not familiar song
SHOCKS! Bakit ganon?! Nailagay ko na dito 'yung dapat sana'y bago kong entry. Ang haba-haba ng sinulat ko. Kaya nga lang, aksedente kong napindot 'yung "Back" button sa taas. Hindi ko pa naman na save 'yun. WAH! Nawala lahat ng pinaghirapan ko.
Magshe-share pa naman sana ako sa inyo ng secret. Kaya nga lang looks like it's not yet time to share it. Maybe it's God's way of saying na next time ko na lang sabihin 'yun. Oh well, God really do things in unexpected ways. Siguro God is telling me not to share it first for a certain reason. Ano kaya 'yung reason na 'yun?
Anyway, sorry kung naistorbo ko kayo. Good night na lang. Sa haba kasi ng sinulat ko na mawawala din pala, late na ko natapos.
Sige, Good night.
~blessie~
- Location:house, as usual
- Mood:
disappointed
Hello! Naandito na naman ako hindi para i-lagay ang recent events/ issues sa buhay ko. Naisip ko lang na maglagay ng quotes, quiz results, poems, jokes, etc. dito. Minsan kasi gusto ko i-share 'yung mga bagay tulad ng mga 'yan sa ibang tao. Kaya nga lang, parang walang may gusto e. Kaya dito ko na lang ilalagay.
Naranasan mo na ba 'yung alam mo na 'yung ilalagay mo sa blog mo, kaya nga lang pagkatype mo, hindi mo na alam kung ano 'yung i-lalagay mo o biglang nawalan ka ng gana? Ako, maraming beses na. Kaya nga kahit first-time ko magkablog, minsan naisip ko parang walang kwenta rin 'yung paggawa ko nito e. Wala kasi akong ma-share.
Isa din 'yun sa mga dahilan kaya maglalagay ako ng quotes, etc. sa blog ko.
Hindi ko ginagaya 'yung kaibigan ko na gumagawa ng diff. blogs for diff. reasons.
someone: " Sino 'yung kaibigan mong 'yun"
me: "Alam ko na alam mo kung sino - kung alam mo nga."
someone: "Bakit hindi mo na lang sabihin 'yung pangalan niya?"
me: "Para secret."
someone: "Siguro pinaparinggan mo siya 'no"
me: "Hindi a. Bakit ko naman siya paparinggan? Kung gusto niya ng ganun, hindi ko siya pipigilan. Wala namang masama doon e. Ayaw ko lang sabihin kung sino para secret"
someone: "Bakit kailangan pa maging secret 'yun?"
me: *galit na mataray w/ taas ng kilay* "Ano ba ang pakialam mo, ha?! Kung mapapansin mo 'tong journal na 'to madaming salitang "secret". Isa pa, 'akin naman 'tong journal na 'to e. Kaya wag ka nang makialam."
someone: "Fine." *exits in a mataray way*
another me to me: "Relax ka lang. Chill ka lang. Mainit na nga e mainit pa din 'yang ulo mo."
me: "Ok. Sorry"
Actually, I got the idea from that person ( lagi naman akong ganun e. 'Yung idea lang). Naghahanap lang kasi ako ng paggagamitan nitong blog kapag gusto ko 'tong galawin pero hindi ko mailagay ang nangyayari sa'kin. Isa pa, wala namang masama doon a. Siguro naman blogs are also meant to share the things that you like.
Ilalagay ko na rin 'yung ibang bagay na ginawa ko. Kahit na pangit, wrong grammar, wrong spelling, at walang kwenta ang mga 'yun. Minsan kasi gusto ko rin i-share 'yung mga 'yun, kahit walang may gusto.
Anyway, sana matuloy 'tong binabalak kong 'to. At sana magustohan niyo rin 'yung mga ilalagay ko dito bukod sa life issues and experiences.
Shocks! Late na pala. Good night :D ~blessie~
- Location:sa bahay
- Mood:
hopeful
Greetings to everyone who dares to look at this piece of junk. Anyway, Thursday ngayon at kahapon ay Wednesday, April 2, ang "Final Judgement Day" for S.Y. 2007-2008, or simply 4th quarter PTC. Hindi ako kasama nung kinuha yung card ko kaya buong araw akong kinakabahan (hindi naman masyado) kung anong grade. Pasado naman ako kaya nagrelax na ako.
Siguro nagtataka kayo kung bakit sorry yung subject ko. Siguro iniisip niyo na baka hihingi ako ng patawad sa isang tao dahil may nagawa akong kasalanan. Kung yun nga ang iniisip niyo, kayo ay tama at mali.
Kayo ay tama dahil gusto ko humingi ng tawad sa lahat ng taong nasaktan ko. At kayo ay mali dahil gusto ko ilagay kung ano ang palagay ko sa salitang sorry.
Sa mga taong kilala ko, ako yung taong paulit-ulit na nagsosorry. Minsan tuloy naiisip ko na nagagalit sila lalo sa akin. Ang totoo niyan, nahihirapan ako mag sabi ng sorry kapag guilty talaga ako.
Ayaw niyo maniwala? Kung ayaw niyo, 'di wag, pero yun ang totoo. Mahirap magsabi ng sorry kapag guilty ka.
Madalas akong nagiguilty kaya ang ginagawa ko, sinasanay ko ang sarili ko na magsabi ng sorry para hindi ako mahirapan. Nangyari na sa'kin yun, yung hindi nagsorry. Hindi ako nagsorry sa isang tao kaya hindi kami nakapag-usap ng 1 or 2 days (Hulaan niyo kung sino:p) Natuto na ako dun at ayaw ko na mangyari yun ulit. Naisip ko na kung hindi ko kaya yun sabihin ng personal, i-sulat ko na lang o i-txt o gawin ang kung anoman basta makapagsorry.
Maikli lang ang buhay ko kaya heto ako at humihingi ng kapatawaran sa mga nasaktan ko at sa mga masasaktan ko sa hinaharap, sinasadiya ko man o hindi.
- Location:house
- Mood:
guilty
"Bo-ring, bo-ring, bo-ring"
Ah..telepono pala. Ano yun? Ambulance?
"Korny, korny, korny"
Hay naku! Namemental na naman ako. Shocks! Sorry. Ganito talaga ako, lalo na pag walang magawa.
another me: "Bakit hindi ka maglinis ng kwarto? Nangako ka kay Berna na ikaw ang maglilinis hindi ba?"
me: "Oo nga. Alam ko. Tinatamad pa ako eh. Pagkatapos ko na lang mag-computer. Please..."
another me: "Sige na nga."
Sorry..Nakahiligan ko na talagang kausapin ang sarili ko. Wala kasi ako masyadong makausap pagdating sa kung anong gusto kong sabihin. Pagpasensyahan niyo po ako.
Ano ba pwede kong isulat, ay este i-type pala?...hmm... *Ting* AHA! Alam ko na...
Minsan ba nagtatanong ka ng mga situations sa ibang tao about love? Pagkatapos tatanongin ka nila ng bakit. At kapag ang sinagot mo ay curious ka lang, sasabihin nila in love ka na? Hindi mo gets?! Eto example:
Carla: "Ella, may tanong ako. Paano mo malalaman kung in love ka na?"
Ella: "Ewan. Bakit mo naman na tanong?"
Carla: "Wala. Curious lang ako."
Ella: "Weh...In love ka na yata eh..."
Carla: "Hindi ah! Curious naman talaga ako eh"
Oh! Gets mo na?! Siguro hindi pa nangyari yan sa'yo ano?! Sa akin ilang beses na nangyari yan. Mahilig kasi ako magtanong ng mga ganyan. Buti nga naiintindihan ng mga taong malalapit sakin na curious naman talaga ako. Kapag nagtanong ako sa iba, naku, sasabihin nila na in love ako kahit hindi naman talaga. Kainis kapag ganun! Ano bang masama pag mag tanong ng ganun?! Trip ko naman iyon kaya wala silang pakialam. In love man ako o hindi. Problema ko na yun kung in love ako. Ang tinatanong ko lang naman e yung opinion nila sa tanong ko, hindi kung in love na ako.! ARGH! Kainis! *Oh no! Mt. Blessie is going to erupt!*
another me: "Relax, man. Cool ka lang. Chill."
me: "Ok, ok. sorry"
Anyway, ang haba na nito. Wala namang magbabasa eh. I'm just wasting my time here. I have to clean our room (Oh no! Kaliligo ko lang. Hayaan ko na nga. Madudumihan din naman ako eh).
Goodbye to anyone who would read this silly, stupid, and crazy blog....;p
- Location:in front of the computer near the table
- Mood:
curious - Music:my brother and ate me-ann playing bingo
For my first entry, ikukwento ko ang last week ng school year (3rd year High School) at simula ng summer ko:
March 10 - 14, 2008
Busy ang lahat sa classroom nung last week. Hindi lng kasi exams ang iniisip naming mga estudyante, pati rin yung clearance namin. Since hanggang 1 pm lang ang school hours namin tuwing exams, nagpaiwan ang iba hanggang 5-6 pm para gawin ang scrapbook/s sa Food tech. at/o Computer. Karamihan naman ay nagpaiwan para gawin ang newspaper project sa English. Inaamin ko na wala ako masyadong natulong at karamihan ng gawain ay napunta kay Mariane, Raymond, and Kat...thank you guys so much. May ginawa din yung iba kaya maraming salamat sa inyo.
March 19 - 22, 2008
We spent 4 days of the Holy Week in Ilocos Norte (nakalimutan ko na kung saan) para bisitahin ang mga kamaganak (mother side) namin doon. Masaya na medyo boring. Masaya dahil nakaalis ako ng bahay at nakakita ng ibang tanawin, boring dahil wala masyadong ginawa. Buti na lang may cellphone na ako ( hay salamat! after almost 1 year) at globe na ako, may mga ka-text na ako to keep me company:D.
That's it for my first post...goodnite:D...
- Location:in front of the loptp
- Mood:
bored




